Sinusunod ng mga Muslim ang ipinaguutos mula kay Muhammad, Hesus at Moises na itinuro nila at ginawa, tulad ng paniniwala sa iisang Diyos, pagdarasal, pagaayuno, pagbibigay kawang-gawa
Sila na sumusuway sa Diyos at sinusunod ang kanilang mga pagnanasa at mga sariling kagustuhan at dadalhin patungo sa… Saan pa ba ang inaasahan mo?
Ginawa ng Allah ang buong sanlibutan kasama ang; oras, enerhiya at angkap. Siya ang nagpapanatili at namumuno sa sanlibutan at lahat ng nasa loob nito
Sinabi ni Propeta Muhammad: “Ang pinaka mahabagin(Allah) ay may habag sa mga mahahabagin”
Sinabi ni Propeta Muhammad: “Siya na kumakain sa hanggang sa kanyang kabusugan habang ang kanyang kapitbahay ay matutulog na walang pagkain ay hindi mananampalataya”
Ang ibig sabihin ng Muslim ay yaong isinusuko ang kanyang loob sa nag-iisang tunay na Diyos(Allah)
Sinabi ni Propeta Muhammad: “Ang pinaka malakas ay hindi yaong kaya niyang patumbahin ang iba, ang tunay na malakas ay yaong napipigilan niya ang kanyang sarili sa oras ng pagkagalit”
Makakamit ng isa ang ganap na kaligayahan at kapayapaan ng isip sa pamamagitan ng paniniwala at pagsuko sa Allah ang nag-iisang tunay na Diyos